Naputukan sa pagsalubong sa 2019 umabot na sa 236; 52% pa ring mas mababa kumpara noong nakaraang taon

Radyo Inquirer Photo

Umabot na sa 236 ang bilang ng mga naitalang nabiktima nang dahil sa paputok sa pagsalubong sa taong 2019.

Sa pinakahuling monitoring ng epartment of Health (DOH) 98 pang panibagong mga kaso ng fireworks-related incidents ang nadagdag sa datos.

Pinakamarami pa rin sa mga naitalang bagong kaso ay nagmula dito sa National Capital Region o NCR na umabot sa 35, sinusundan ito ng 22 bagong kaso sa Region 1; 13 sa Region 6; 6 sa Region 7; 5 sa Region 4-A; 4 sa Region 3; tig-3 sa ARMM at Region 5.

May tig-2 kaso naman ng naputukan sa sa Regions 4-B at Region 12 at tig-iisang kaso sa Region 2, Region 9 at Region 11.

Dahil sa mga naitalang bagong kaso pumalo na sa 236 ang bilang ng naitalang fireworks-related injuries simula noong December 21 hanggang alas-6:00 ng umaga kanina (Jan. 2).

Sinabi ng DOH na ang bilang na ito ay 52 percent pa ring mas mababa kumpara sa naitalang kaso noong pagsalubong sa 2018 at 71 percent na mababa sa 5-year average period.

Ilan sa mga paputok at firecrakers na pangunahing nagdulot ng pagkasugat ay ang sumusunod:

Kwitis – 55
Luces – 20
Piccolo – 19
Boga – 18
5-star – 14

Sa datos ng DOH, 8 sa mga biktima ay naputulan ng daliri at iba pang parte ng katawan at 61 ang nagtamo ng eye injury.

Read more...