Catriona Gray humiling ng tulong at donasyon para sa mga nasalanta ng bagyong Usman sa Bicol Region

Nagpasalamat ang Philippine Red Cross sa suporta ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa relief efforts para sa mga nasalanta ng bagyong Usman.

Nagpasalamat si Red Cross Chairman, Senator Richard Gordon dahil sa tulong ni Gray upang palaganapin ang panawagan para tulungan ang mga biktima ng bagyo.

Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ni Catriona ang panawagan ng Red Cross para sa mga donasyon upang maipamahagi sa mga nasalanta ng Bagyong Usman.

Maliban dito, ibinahagi din ni Catriona ang panawagang donasyon ng Team Albay Youth Organization.

Humingi rin ng panalangin si Catriona para sa mga nasawi sa landslides at flashfloods bunsod ng pananalasa ng bagyo.

Read more...