Klase sa lahat ng antas sa CamSur suspendido hanggang Jan. 4

Suspendido na ang klase sa buong lalawigan ng Camarines Sur hanggang sa Jan. 4

Sa inilabas na memorandum order ni Camarines Sur Gov. Migz Villafuerte, sinuspinde na ang klase sa lahat ng antas simula bukas, Jan. 3 hanggang sa Biyernes, Jan. 4.

Ito ay para mabigyang pagkakataon ang mga nasalanta ng Bagyong Usman na maka-recover sa epekto ng kalamidad.

Magbabalik sa normal ang klase sa lalawigan sa Jan. 7, araw ng Lunes.

Ang Camarines Sur ay nauna nang isinailalim sa state of calamity dahil sa naging pinsala ng bagyo.

Read more...