U.S magbibigay ng dalawang barko sa Philippine Navy

Obama
Inquirer file photo

Nangako si U.S President Barack Obama na magbibigay pa ng dalawang barko ang kanyang pamahalaan para sa Philippine Navy.

Sa kanyang pagbisita sa BRP Gregorio Del Pilar na isa ring dating barko ng America, muling inulit ni Obama ang kanyang “ironclad” commitment para sa bansa sa gitna ng gusot sa West Philippine Sea.

Sa harapan ng mga sundalo ng Philippine Navy, muling inulit ni Obama ang suporta ng kanyang pamahalaan sa Pilipinas partikular na sa modernization ng ating Armed Forces.

Sinabi ni Obama na sa susunod na taon ay maililipat na sa pamamahala ng Philippine Navy ang isang U.S Coast Guard Cutter na kamukha ng BRP Gregorio del Pilar at isang Research Vessel.

Nakatakda ring makipag-pulong si Obama kay Pangulong Noynoy Aquino kung saan ay inaasahang sesentro ang meeting sa mga development sa West Philippine Sea.

Bukod sa pagdalo sa APEC leaders’ meeting, makikipag-pulong din si Obama sa iba pang lider na kalahok sa pulong para sa ratification ng Trans-Pacific Partnership para sa free trade agreement ng ilang mga bansang kaalyado ng U.S.

Read more...