Bukod kina U.S President Barack Obama at Chinese President Xi Jinping, South Korean President Park Geun Hye, Australian Prime Minister Malcolm Turnbull at Mexican President Enrique Nieto magkakasunod din na dumating ngayong araw sa bansa ang mga lider mula sa New Zealand at Malaysia para dumalo sa APEC leaders’ meeting.
Alas-dos ng hapon kanina ng lumapag ang eroplano ni Malaysian President Najib Razak.
Si Razak ay naging intrumento sa pagsusulong ng peace talk sa Mindanao sa pagitan ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Ilang minuto makaraang lumapag ang eroplano ng Malaysian leader ay dumating naman si New Zealand Prime Minister John Key.
Si Key ang ika-38 Punong Ministro ng New Zealand at ito ang kanyang kauna-unahang pagbisita sa bansa.
Bago naging pinuno ng New Zealand, nakilala si Key sa New York bilang isang mahusay na banker.
Ilang taon din siyang naglingkod bilang Senador ng New Zealand bago siya nahalal na Pangulo noong 2008.
Naging kontrobersiyal ang desisyon ni Key ng ipag-utos niya ang pag-withdraw ng kanilang pwersa sa Afghanistan sa kainitan ng kampanya ng US-led forces laban sa grupong Al-Qaeda.