Walang kaso ng indiscriminate firing na kinasangkutan ng pulis sa Metro Manila – NCRPO

Sa ikalawang sunod na taon walang naitalang kaso ng indiscriminate firing sa Metro Manila na kinasangkutan ng pulis sa pagsalubong sa Bagon Taon.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni NCRPO chief Director General Guillermo Eleazar, walang pulis sa Metro Manila na nasangkot sa ilegal na pagpapaputok ng baril nitong nagdaang holiday season.

Mayroon aniyang tatlong isolated cases ng pulis na nagpaputok ng baril noong Christmas season, dalawa sa Caloocan at isa sa Taguig.

Pero pawang criminal in nature aniya ang insidente at walang kinalaman sa pagdiriwang ng Pasko at New Year.

Sa Metro Manila, isang kaso lang aniya ng indiscriminate firing ang naitala at ito ay kinasangkutan ng isang sibilyan sa Navotas City ilang oras bago ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Agad naman aniyang naaresto ang suspek dahil mabilis itong iniulat ng isang concerned citizen.

Nakuha din ang baril na ginamit sa suspek at nasampahan na ito ng karampatang kaso.

Read more...