Mga residente malapit sa ilog sa Isabela, binalaan sa posibleng pagbaha

Nagpalabas ng abiso ang provincial disaster risk reduction ang management council ng Isabela sa mga residenteng nanihirahan sa tabing-ilog at mga bulubunduking lugar.

Sa abiso na inilabas, sinabing patuloy na nakararanas na pag-ulan sa lalawigan kaya tumataas ang tubig sa ilog.

Dahil dito, ang mga residente na nakatira malapit sa ilog at sa mabababang lugar ay dapat maging maingat sa posibleng pagbaha.

Pinag-iingat din sa posibleng landslide ang mga nakatira malapit sa bulubunduking lugar.

Kasama ring inabisuhan ang mga motorista na bumabaybay sa mga lansangan sa Isabela dahil madulas ang kalsada bunsod ng pag-ulan na nararanasan.

Read more...