Bilang ng mga nasawi dahil sa #BagyongUsman nadagdagan pa

BACO MSWDO PHOTOS

Pitumpu’t walo na ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Usman.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), bukod sa 78 nasawi ay mayroon pang 21 nawawala, at 15 sugatan.

Ang naturang bilang ay mula sa MIMAROPA, Bicol, at Eastern Visayas.

Ayon pa sa NDRRMC, 99 sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Usman ang nananatiling lubog sa baha.

Dahil dito, 38 mga kalsada at dalawang mga tulay ang hindi pa rin madaanan hanggang sa ngayon.

Samantala, 6,637 pamilya o 24,894 indibidwal ang kasaluluyang nananatili pa rin sa 170 mga evacuation centers.

Read more...