24 sugatan dahil sa paputok sa Negros Occidental

AFP

Dalawampu’t apat katao ang naitalang nasugatan dahil sa paputok sa Negros Occidental at Bacolod City sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon kay Bacolod Police spokesperson C/Insp. Ariel Pico, walo ang naitala nilang sugatan dahil sa paputok.

Nakapagtala naman ang Negros Occidental Police Provincial Office ng 16 na sugatan sa pagsalubong sa Bagong Taon habang walo ay sa kasagsagan ng pagdiriwang ng Pasko.

Wala namang naiulat na kaso ng indiscriminate firing at nasaktan dahil sa stray bullets.

Read more...