15 bangkay narekober sa Tiwi, Albay; retrieval operations pahirapan pa rin

PHOTO COURTESY OF BUHI POLICE

Nahihirapan pa rin ang mga otoridad na magsagawa ng retrieval operations sa Tiwi, Albay matapos manalasa doon ang bagyong Usman.

Ito ay dahil sa mga nakahambalang na tumumbang mga puno, nahulog na mga malalaking tipak ng bato, at nagkalat na mga putik sa mga kalsada sa bayan.

Ayon sa mga otoridad, 15 bangkay na ang nakuha ng mga otoridad, habang anim na iba pa ang patuloy na hinahanap.

Tatlo sa naturang bilang ay mula sa Barangay Balais.

Nasira rin ng bagyong Usman ang bahagi ng Tiwi-Camarines Sur road dahil sa pagbahang idinulot ng walang patid na ulan.

Sa ngayon, pinag-aaralan na ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) ang lugar upang malaman kung aling bahagi ng Tiwi ang hindi na maaari pang tirhan.

Read more...