35 truck ng basura nakolekta sa Divisoria, Maynila matapos ang Bagong Taon

File photo

Hindi halos madaanan ang isang kalsada sa Divisoria, Maynila matapos ang selebrasyon ng Bagong Taon dahil sa dami ng basurang nagkalat.

Kinailangan pang gumamit ng mga otoridad ng payloader para lamang malinis ng lugar.

Sa kabuuan, nasa 35 truck ng basura ang nakolekta.

Samantala, nagkalat din ang mga basura sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Maynila at Litex Road sa Quezon City.

Maging sa mga probinsya gaya ng Laoag, Ilocos Norte; Calamba City, Laguna; at Surigao City, Surigao del Norte ay nagkalat ang mga basura gaya ng plastic at styrofoam sa mga lansangan.

Read more...