EU nagpaabot ng pakikiramay sa Pilipinas dahil sa pananalasa ng Bagyong Usman at pagsabog sa Cotabato

Ipinabot ng European Union (EU) ang pakikiramay nito sa bansa matapos ang pananalasa ng Bagyong Usman at nangyaring pagsabog sa isang mall sa Cotabato City.

Sa isang pahayag, ipinarating ni EU Ambassador to the Philippines Franz Jessen ang kanyang pakikiisa at panalangin sa mga biktima at pamilya ng mga nasawi sa pagsabog sa Cotabato at Bagyong Usman.

Ayon kay Jessen, hatid ng Bagong Taon ay bagong pag-asa sa lahat at kaisa ng gobyerno ang EU para gawing mas ligtas at mapayapa ang Pilipinas.

Samantala, sinabi pa ng ambassador na suportado ng EU ang umiiral na peace process sa Mindanao.

Hindi anya kailanman magtatagumpay ang karahasan at galit at naniniwala siyang ang kapayapaan at pagkakasundo ang sagot para sa mas magandang kinabukasan ng Mindanao.

Dalawa ang nasawi sa pagsabog sa Cotabato habang 78 na ang naitatalang nasawi dahil sa pinsala ng Bagyong Usman.

Read more...