Kalidad ng hangin sa pagdiriwang ng bagong taon ‘hazardous’ ngayong 2019

AFP

Umabot sa ‘hazardous’ level ang kalidad ng hangin sa ilang mga lungsod sa Metro Manila sa pagdiriwang ng pagpasok ng 2019.

Batay sa monitoring ng Department of Environment and Natural Resources – Environmental Management Bureau (DENR-EMB) pagpatak ng alas-4 ng madaling araw ng January 1, 2019, ‘hazardous’ ang kalidad ng hangin sa mga lungsod ng Parañaque at Pasay.

Habang ‘very unhealthy’ naman ang kalidad ng hangin sa Muntinlupa at Pasig.

Paliwanag ni EMB Assistant Director Vizminda Osorio, kapag ‘hazardous’ ang air quality sa isang lugar, hindi ito ligtas para sa mga tao, lalo na sa mga mayroong problema sa baga at puso.

Posible umano kasi itong magdulot ng atake sa puso.

Samantala, sinabi rin ni Osorio na tumaas ng 22 hanggang 155 porsyento ang particulate matter sa hangin na nalalanghap ng mga tao sa 13 mga lugar sa Metro Manila.

Paliwanag ni Osorio, patunay ang pagtaas ng particulate matter na hindi umaayos ang air quality sa tuwing nagdiriwang ng Bagong Taon.

Read more...