Ipinahayag ni Pope Francis ang pagkadismaya sa anya’y kawalan ng pagkakaisa sa mundo sa panahong ito.
Sa kanyang New Year’s Mass sa St. Peter’s Basilica para sa ‘Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos’, ipinanawagan ng Santo Papa sa mga Katoliko na mapamunuan muli ng kanilang mga ina na parang mga bata.
Giit ni Pope Francis, ang mundo na sumusulyap para sa kanyang kinabukasan na walang pagkalinga ng kanyang ina ay paningin na hindi malayo ang nararating.
Para anyang naninirahan ang mga tao sa iisang bahay ngunit hindi namumuhay bilang magkakapatid.
Nanawagan si Pope Francis sa mga Katoliko-Kristiyano na manatiling nakakapit sa Simbahan dahil anya, ang pagkakaisa ay mas matimbang kaysa pagkakaiba-iba.
Sa huli, nagbabala ang lider na ang Simbahan ay maging isang magandang paalala na lamang ng nakalipas sakaling makalimot na ang mga Katoliko sa misteryo ng pananampalataya.