Binatilyo naputukan ng kwitis sa Pagadian City

File Photo

Nagtamo ng minor injury sa kamay ang isang binatilyo matapos itong maputukan ng kwitis sa Barangay Sta. Lucia, Pagadian City.

Ayon sa Department of Health (DOH) – Zamboanga del Sur, hapon ng mismong unang araw ng 2019 nang pulutin ng isang 15 taong gulang na binatilyo ang hindi pumutok na kwitis sa kalye.

Sinubukan ng menor de edad na sindihan ang kwitis ngunit sumabog ito sa kanyang kanang kamay.

Nasa maayos nang kalagayan ang bata.

Ayon sa mga otoridad, sa ngayon, ang naturang insidente pa lamang ang kanilang naitatalang firecracker-related injury sa Pagadian.

Read more...