Lalaking nakikipag-inuman sugatan sa pananaksak sa Caloocan

Nagpapagaling na sa ospital ang isang lalaki matapos itong saksakin ng kainuman sa Bagong Silang, Caloocan City.

Ayon sa impormasyong inilabas ng mga pulis, nakikipag-inuman ang biktimang si Rancer Sanchez sa kanyang mga kaibigan sa unang araw ng taon nang dumating at sumali sa inuman ang suspek na si Celestino Africa.

Habang nag-iinuman ay nagkaroon ng pagtatalo sina Sanchez at Africa, dahilan upang kumuha ng patalim si Africa at isang beses na sinaksak ang biktima sa kanyang kaliwang tagiliran.

Agad na tumakas si Africa, habang isinugod naman ng kanyang kinakasama si Sanchez sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital upang malapatan ng lunas.

Humingi ng tulong sa mga otoridad ang pinsan ng biktima, na silang nagsagawa follow-up operation na nagresulta sa pagkakaaresto ni Africa.

Sa ngayon ay inihahanda na ang kaukulang kasong isasampa laban sa suspek.

Read more...