VP Robredo nananawagan ng tulong para sa Usman victims

Office of the Vice President

Naglunsad ang Office of the Vice President (OVP) ng fund drive para sa mga pamilyang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Usman.

Sa kanyang official Facebook account, nanawagan ng donasyon si Vice President Leni Robredo kasama ang Operation Compassion Philippines, Inc. para sa mga nasalanta ng bagyo.

Kahapon, araw ng Martes, ay nakapagbahagi na ng relief goods ang team ni Robredo sa bayan ng Baao sa Camarines Sur.

Para sa mga nais magbigay ng donasyon, maaari umanong magdeposit sa mga sumusunod na bank accounts:

BPI ACCOUNT NAME: Operation Compassion Philippines, Inc.
BPI ACCOUNT NUMBER: 3321-0462-49

Read more...