7 patay sa pagsabog sa Russia; sanggol nasagip sa guho

AP

Pito katao ang nasawi matapos sumabog at gumuho ang isang apartment building sa Magnitogorsk, Russia.

Sa ngayon ay 36 pa ang hindi mahanap mula sa guho, habang isang sanggol naman ang maswerteng nasagip ng mga rescuers.

Maituturing na milagro ang pagkakasagip sa sanggol matapos itong manatili sa guho sa loob ng 35 na oras, lalo na’t -17 degrees Celsius ang temperatura sa lugar.

Kasama na ng 11 buwang gulang na sanggol ang kanyang ina habang nilalapatan ng lunas sa ospital.

Nabatid na nagtamo ng serious freezer burn at closed-head injury ang sanggol.

Ayon sa mga otoridad, posibleng gas leak ang pinagmulan ng pagsabog.

Dahil sa insidente ay 48 apartment units sa 10 palapag na gusali ang nasira.

Ayon kay Russian Health Minister Veronika Skvortsova, habang tumatagal ang operasyon ng mga rescuers ay mas lumiliit na ang tsansa na may makukuha pa silang buhay mula sa guho.

Read more...