Manny Pacquiao nagtraining kasama si Freddie Roach

Muling nagsama sa loob ng ring sina Manny ‘Pacman’ Pacquiao at Coach Freddie Roach.

Ito ay bilang paghahanda para sa nalalapit na tapatan ng Pambansang Kamao laban kay Adrien Broner.

Sa loob ng Wild Card Gym nagtraining ng 10 rounds sina Pacquiao at Roach.

Matatandaan na bago ang laban ni Pacman kay Lucas Matthysse noong Hulyo 2018 ay naghiwalay ng landas ang dalawa at pinili ni Pacquiao na sumailalim sa training ng kanyang kaibigan na si Buboy Fernandez.

Ngayon ay bumalik sa Team Pacquiao si Roach bilang kanyang consultant.

Bukod sa training kay Roach, tumakbo rin sa Griffith Park si Pacman kung saan pinaunlakan niya ang kanyang mga taga-hanga na mapanood ang kanyang training.

Dedepensahan ni Pacquiao ang kanyang WBA World welterweight title sa January 19 na gaganapin sa MGM Grand Garden Arena.

Read more...