Pagsalubong sa 2019 naging ligtas at mapayapa ayon sa PNP

Contributed photo

Ligtas at mapayapa na sinalubong ng mga Filipino ang taong 2019 ayon sa Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, ang pagbaba ng halos 80 percent ng mga insidente ng nasugatan dahil sa paputok at nasaktan naman dahil sa indiscriminate firing at stray bullets ay patunay na mapayapa at ligtas na pagdiriwang ng 2018 Holiday Season kumpara noong 2017.

Ani Albayalde, isa lamang ang nabiktima ng stray bullet na mula sa Cagayan de Oro City.

Ang mga nasugatan naman dahil sa paputok ay nabawasan ng 80 percent o 36 na kaso mula sa 188 noong 2017.

Samantala, tumaas naman ng pitong kaso ang insidente ng iligal na pagpapaputok ng baril kung saan sa 23 sangkot ay pito ang pulis.

Sinabi ng hepe ng PNP na ang positive developments na ito ay dahil sa maagang paghahanda at tuloy-tuloy na implementasyon ng mga regulasyon kaugnay ng Oplan Ligtas Paskuhan 2018.

Tiniyak naman ni Albayalde na hindi dito matatapos ang lahat at titiyakin na magpapatuloy ang trabaho para masiguro ang kapayapaan at seguridad sa bansa lalo na para sa darating na 2019 mid-term elections.

Read more...