Nakuhang bangkay sa landslide sa Brgy. Pititinan, Sagnay, Camarines Sur umakyat na sa 30

Pumalo na sa tatlumpu ang natagpuang patay sa pagguho ng lupa sa Brgy. Patitinan, Sagñay, Camarines Sur.

Ito ay matapos makuha kanina ang labi ng limang miyembro ng isang pamilya sa Sitio Igot.

Kaagad naman dinala sa isang punerarya ang mga bangkay.

Bukas, target ng mga rescuer na pasukin ang Sitio Garang na hindi pa rin napapasok ng mga awtoridad.

Sa nasabing lugar nasa anim hanggang walong ektarya ang natabunan ng gumuhong bundok.

Sa inisyal na pagtaya ng MDRMMO sa Sagñay may mahigit 50 bahay ang natabunan sa lugar.

Pinangangambahan din na natabunan ang lupa ang mga dumadaang sasakyan sa national hiway ng Sitio Garang.

Read more...