Pagsalubong ng Bagong Taon sa QC, generally peaceful – QCPD

AP Photo – Bullit Marquez

Ipinagmalaki ng Quezon City Police District na generally peaceful ang naging pagsalubong ng lungsod sa bagong taon.

Ayon kay QCPD Dir. Joselito Esquivel, base sa kanilang datos nakapagtala sila ng 11 kaso ng fire cracker related injuries na mas mababa sa 25 na naitala noong nakaraang taon.

Bukod dito, may naitala din silang isang kaso ng homicide na naganap bandang alas diyes ng gabi sa Barangay Gulod sa Novaliches.

Malaki aniya ang naitulong ng pag ulan kagabi at ang pagpapatrolya ng kanilang mga pulis.

Sa kabuuan, nag deploy sila ng mahigit na 1,000 pulis ng QCPD para tiyakin ang seguridad ng mga residente sa pagsalubong sa bagong taon.

Read more...