Chinese President Xi Jinping dumating na rin sa bansa

XI JINPINGDumating na sa bansa si Chinese President Xi Jinping para dumalo sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Meeting.

Dumating si Xi sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 alas 12:20 ng tanghali sakay ng Air China.

Kabilang sa mga sumalubong kay Xi si Hong Kong Chief Executive C.Y Leung.

Samantala, kabilang din sa iba pang mga delegado na dumating ngayong Martes ng umaga sina South Korean President Park Geun-Hye at Australian Prime Minister Malcolm Turnbull.

Si Park ay dumating sa NAIA alas 11:50 ng umaga, na sinundan ni Turnbull alas 12:05 ng tanghali.

Bago mag ala 1:00 naman ng hapon lumapag ang sinasakyan ni Mexico President Enrique Peña Nieto.

Read more...