US President Barack Obama dumating na sa bansa

OBAMA
From @apec2015ph twitter

Dumating na rin sa bansa si US President Barack Obama para sa kaniyang pagdalo sa APEC summit.

Alas 11:20 ng umaga nang lumapag sa Balagbag-Villamor Air Base ang Air Force One lulan si Obama.

Sinalubong si Obama nina US Ambassador to Philippines Philip Goldberg, Philippine Ambassador to US Jose Cudia at Department of Defense Sec. Voltaire Gazmin.

Sa kaniyang tweet binate ni Goldberg si Obama sa kaniyang pagbabalik sa Pilipinas. “President Barack Obama returns to the Philippines for #APEC2015. Welcome back and mabuhay! #ObamaInPH,” ayon sa nakasaad sa twitter post ni Goldberg.

Pagkababa ng Air Force One, dumeretso naman si Obama sa nag-aabang na military chopper ng US.

Nakatakdang bumisita si Obama sa flagship ng Philippine Navy na BRP Gregorio Del Pilar.

Read more...