Lalaki timbog dahil sa panunutok ng baril sa Tondo, Maynila

Arestado ang isang lalaki makaraang manutok umano ng baril sa selebrasyon ng Bagong Taon sa Tondo, Maynila.

Ayon sa nagreklamo, kasama niyang nagpapailaw ng luces ang apo sa labas ng kanilang bahay nang bigla silang tinutukan ng baril ng isang tricycle driver.

Nahuli ang lalaki ng mga nagpapatrolyang pulis at nakuha ang isang kalibre 9mm na baril at anim na bala.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulis para alamin kung sangkot sa iba pang kaso ang suspek.

Read more...