55 firecracker-related injuries, naitala sa NCR – NCRPO

Nakapagtala ng 55 bilang ng firecracker-related injuries sa National Capital Region (NCR) sa pagsalubong ng 2019.

Sa isang panayam, sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Guillermo Eleazar na ang bilang ay nakuhang datos ay mula December 21, 2018 hanggang January 1, 2019 bandang 6:00 ng umaga.

Aniya, mas mababa ito kumpara sa naitalang rekord sa kaparehong pesta noong nakaraang taon.

Sinabi ng opisyal na natuto ang publiko sa mga ginawang paalala ng mga otoridad.

Nakatulong din aniya sa pagbaba ng bilang ng mga nasugatan dahil sa paputok ang masamang panahon sa Bisperas ng Bagong Taon at ang
pagpapakalat ng mahindit 12,000 pulis.

Matatandaang apat katao ang naaresto ng pulisya dahil sa paggamit ng ilegal na paputok at indiscriminate firing.

Read more...