Palasyo sa mga Pinoy: panatilihin ang pagkakaisa sa 2019

Sa pagpasok ng 2019, hinikayat ng Palasyo ng Malakanyang ang publiko na panatilihin ang pagkakaisa para sa nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na makapagbigay ng mas komportableng buhay sa mga Pilipino.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na ang Bagong Taon ay isang oportunidad para mag-reflect sa
mga naging karanasan at pagsubok sa buhay.

Aniya pa, panahon ito para maunawaan ang leksyon upang maging handa sa mga susunod na pagdadaanan sa buhay.

Hiniling din ng Malakanyang ang masaya, mapayapa at masaganang Bagong Taon para sa mga Pilipino.

Read more...