Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, ang pasya ng Okada ay magsisilbing halimbawa para sa iba pang mga establisyimento.
Kasunod nito ay hinimok ni Cimatu ang publiko na laging isaisip ang anumang gawain na maaaring makaapekto sa kalikasan.
Umani ng batikos ang Cove Manila matapos ianunsyo ang naturang event na ayon sa marami ay magdudulot lamang ng dagdag na basura.
Samantala, ang iba pang establisyimento gaya ng Peninsula Manila ay sinundan ang desisyon ng Okada at sinabing hindi na rin nila gagawin ang kanilang nakatakdang taunang balloon drop.
Sa isang pahayag, sinabi ng pamununan ng Peninsula Manila na ang naturang desisyon ay upang tuparin ang kanilang Sustainable Luxury Vision 2020.