Sa kanyang New Year’s message, sinabi ni Tagle na sa pamamagitan ng “wagas na diwa ng paglilinkod” ay makakamit ng buong nasyon ang inaasam nitong kapayapaan.
Aniya, nagkakaroon ng kaguluhan dahil sa kawalan ng tunay na paglilingkod.
Kaya naman aniya, upang magkaroon ng kapayapaan ngayong panibagong taon ay dapat magkaroon ng tunay na paglilingkod sa iba’t ibang lebel ng lipunan — sa pamilya, sa mga paaralan, sa mga negosyo, sa pamahalaan, sa Simbahan, at sa lahat ng lugar.
Paliwanag ng arsobispo, ang tunay na paglilingkod ay iyong pagbibigay ng serbisyo sa kapwa nang walang hinihiling kapalit, hindi pakabig, at hindi mapagsamantala.