Ayon kay Lieutenant Colonel Ronald Illana, commander ng 8th Infantry Battalion, nilusob ng pinagsanib na pwersa ng 8IB at 43rd Division Reconnaissance Company ang kuta ng mga rebeldeng komunista sa Barangay Binicalan sa San Luis, Agusan del Sur.
Bukod sa dalawang hindi nakilalang mga rebelde, ilan din mga miyembro ng NPA ang sugatan, bagaman hindi pa batid ang eksaktong bilang ng mga ito.
Narekober ng mga sundalo mula sa kuta ng NPA ang dalawang M14 rifles.
Ayon sa 4th Infantry Division, tinutugis ng mga militar ang mga nakatakas na rebelde.
MOST READ
LATEST STORIES