Richard Merk, nakalabas na ng ICU

Courtesy of Rachelle Anne Wolfe

Nakalabas na ng Intensive Care Unit (ICU) ang Jazz singer na si Richard Merk.

Ayon sa kapatid nito na si Rachelle Anne Wolfe, magpapatuloy pa ang laban ni Richard

Aniya, base sa resulta ng CT scan ni Richard ay meron itong cerebral atrophy.

Ito ay closely related sa sintomas ng pagtanda, cardiovascular disease at distress.

Dagdag pa ni Rachel ay muntik na rin ma-stroke ang kanyang kapatid.

Unang ipinaalam ni Rachel sa publiko ang kalagayan ni Richard sa Facebook noong Biyernes kung saan kanyang ibinahagi sa publiko na isininugod ito sa opsital at nasa ICU.

Read more...