(UPDATE) 2 patay sa pagsabog sa isang mall sa Cotabato City

Isang pagsabog ang naganap sa isang mall sa Cotabato City ngayong bisperas ng bagong taon.

Ayon kay Capt. Alvin Encinas ng 6th Infantry Division ng Philippine Army, nangyari ang pagsabog sa bilihan ng paputok sa malapit sa entrance ng South Seas Mall sa lungsod ng Cotabato bandang1:59 ng hapon.

Ayon sa ulat, 2 ang dead on arrival, 3 ang critical condition na nasasailalim sa operasyon.

Aabot sa 32 ang nasugatan sa naging pagsabog sa nasabing mall.

Batay sa nakarating na impormasyon mula sa Cotabato City Police, isang hindi nakilalang lalaki ang nag-iwan ng kahin sa entrara ng mall na ilang minuto lamang ay sumabog na.

Read more...