LOOK: SC, dumanas ng matinding pagsubok sa 2018

Aminado si Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin na dumaan sa matinding pagsubok ang kataas-taasang hukuman ngayong 2018.

Sa New Year’s message ni Bersamin, sinabi nito na malaki ang natutunan ng SC sa mga karanasan ngayong taon.

Umaasa si Bersamin na gagamiting pondasyon ng SC ang mga nagdaang pagsubok para maging positibo sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Dapat din aniyang maging giya ng SC ang mga problema na pinagdaanan.

“We encountered truly daunting and consequential challenges. Let us take the time to take stock of these challenges, and discern our experiences and learn from them guided by a renewed hope, fresh start and new vision,” ani Bersamin

Matatandaan na sa taong 2018, nabalot ng matinding kontrobersya ang SC matapos ma-impeah si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Read more...