Nagdagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa mga baha at gumuhong lupa na dulot ng Tropical Depression “Usman.”
Sa isang panayam, sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesperson Edgar Posadas na umabot na ang bilang sa 68 habang 19 naman ang nawawala.
Aniya, mahigit 30,000 pamilya ang apektado mula sa Calabarzon, Mimaropa at Bicol regions.
Katumbas ito ng hindi bababa sa 130,000 katao mula sa 321 barangay.
Maliban dito, naapektuhan din ang imprastraktura sa mga rehiyon; 78 na road section, tatlong tulay at 23 na power plant.
Sa ngayon, nakatutok aniya ang ahensya sa pagresponde sa mga lalawigan.
Patuloy din aniya ang pakikipag-ugnayan at mga pulong ng NDRRMC sa mga regional offices.
MOST READ
LATEST STORIES