2 sugatan sa aksidente sa EDSA

Nagtamo ng minor injuries ang dalawang pasahero matapos maaksidente ang sinasakyang pampasaherong bus sa bahagi ng EDSA, Quezon City Lunes ng umaga.

Ayon sa mga pasahero, huminto ang Citybus sa MRT Kamuning station nang maramdaman ang biglang paggalaw.

Ang naturang bus ay may plakang U1 L283.

Nabangga ng isang EOS Transport bus ang Citybus dahilan para masira ang harapang bahagi nito.

Nabigyan naman ng paunang lunas ang mga biktima ng ipinagdalang rescue team ng lokal na pamahalaan ng QC.

Dahil sa aksidente, nagdulot ito ng bigat sa daloy ng trapiko sa EDSA.

Read more...