Hatol sa kasong murder laban kay Pemberton ilalabas na sa Martes

pemberton walking
Radyo Inquirer File Photo

Itinakda na ng Olongapo City Regional Trial Court (RTC) Br 74 ang pagbaba ng hatol kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

Ganap na ala 1:00 ng hapon sa araw ng Martes, Nov. 24 ibababa ni Judge Roline Ginez-Jabalde ang hatol kay Pemberton para kasong murder na kinakaharap nito kaugnay sa pagpatay sa transgender na si Jennifer Laude.

Buwan ng Setyembre ng tapusin ng korte ang pagdinig sa nasabing kaso matapos magharap ng mga testigo at ebidensya ang magkabilang kampo.

Si Laude ay natagpuang patay sa loob ng Cellzone Lodge sa Olongapo City noong Oktubre ng nakalipas na taon kung saan si Pemberton ang itinuturong nasa likod ng krimen.

Ilang buwan ding nagsagawa ng paglilitis ang korte kung saan nagharap ng kani-kanilang mg testigo ang kampo ng pamilya Laude at ni Pemberton.

Read more...