Video: Quirino Grandstand pansamantalang tuluyan ng mga pulis mula Region 5

 

Labing-apat na bus ang nakaparada sa Quirino Grandstand na sinakyan ng mga pulis mula sa iba’t-ibang lugar sa Region 5.

Ang nasa 800 mga pulis mula Region 5 ay dagdag pwersa na magbabantay sa kahabaan ng Roxas Boulevard ngayong APEC week.

Sila ay pawang mula sa, Daet, Virac, Masbate, Catanduanes, Iriga, Sipocot, Tabaco, at Legaspi ang dinala dito para sa APEC Summit

Dahil Roxas Boulevard ang kanilang binabantayan, sa Quirino Grandstand na rin nagtutulog ang mga pulis.

Linggo pa lamang ay dumating na sila sa Maynila para sa deployment.

Nagmistulang isang mahabang sampayan naman ang mga upuan sa grandstand dahil doon nakasampay ang mga damit ng mga pulis.

May mga portalet din sa lugar na halatang hindi nalilinis dahil sa masangsang nang amoy.

Read more...