Taunang hot air balloon festival sa Pampanga para sa 2019, kinansela

Photo grab from philballoonfest.net

Kinansela ang taunang hot air balloon festival sa Clark, Pampanga sa darating na February 2019.

Sa inilabas na pahayag ng Philippine International Hot Air Balloon Fiesta (PIHABF), hindi na matutuloy ang pagdaraos ng “Weekend of Everything that Flies in February” event dahil sa kakulangan ng government partners.

Inanunsiyo ang kanselasyon ng aerial festival sa kanilang website.

Gayunman, sinabi ng PIHABF na posible pang magsagawa ng ibang airshows sa labas ng Clark sa susunod na taon.

Ngayong taon, idinaos ng PIHABF ang kanilang 22ng edition ng 4-day event mula February 8 hanggang 11.

Read more...