4 timbog sa buy-bust operation sa Lucena

Timbog ang apat na tulak ng droga sa ikinasang buy-bust operation sa Lucena City, Lunes ng umaga.

Ayon kay Quezon police drug enforcement unit head Supt. Norman Ranon, nahuli ang mga suspek matapos mahuling nagbebenta ng
shabu sa Barangay Gulang-Gulang bandang 3:00 ng madaling-araw.

Nakilala ang mga suspek na sina Gilvert Cabrante, 25-anyos; Normeo Natividad, 36-anyos; Monalie Dael, 30 -anyos; at Jayson Abadilla, 37-anyos.

Nakuha sa mga suspek ang isang sasakyan, at 14 pakete ng shabu na may bigat na 73.97 grams at nagkakahalaga ng P136,884 base sa
Dangerous Drugs Board.

Ngunit ayon naman sa pulisya, aabot ng P332,865 ang street value nito kung saan P4,500 ang halaga kada gramo.

Kilalang big-time na drug pusher ang mga suspek sa naturang lungsod.

Read more...