Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 3.4 na lindol

Phivolcs photo

Tumama ang magnitude 3.4 na lindol sa Sarangani, Davao Occidental Lunes ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 194 kilometers Southeast ng Sarangani dakong 9:26 ng umaga.

May lalim itong 14 kilometers at tectonic ang origin.

Gayunman, walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...