Sa isang panayam, sinabi ni DENR Undersecretary Jomas Leones na nakatutuwa na kinonsidera ng event organizers ang panawagan ng publiko.
Layon ng panawagan na maiwasang makadagdag sa dami ng basura sa bansa at pagkasira ng kapaligiran.
Unang nagplano ang Cove Manila na magpakawala ng mahigit 130,000 na lobo para makamit ang isang Guinness World Record.
Matapos makakuha ng mga negatibong reaksyon, pinlano pang ilipat ang event sa loob ng Okada Manila sa Parañaque City.
Ani Leones, kung sa labas idaraos ang event ay bawal ito.
Sakali namang natuloy ang event sa loob ng naturang hotel, tututukan aniya ito ng DENR at magiging istrikto kung paano itatapon ang mga lobo.