Lalaki, patay sa pamamaril sa Cebu City

Sa Bisperas ng Bagong Taon, patay ang isang lalaki makaraang pagbabarilin sa Cebu City.

Batay sa impormasyon mula sa pulisya, nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang biktima matapos barilin sa bahagi ng Barangay Suba.

Pinaniniwalaan ding sangkot ang 43-anyos na biktima sa ilegal na operasyon ng sugal.

Wala namang ideya ang pamilya ng biktima sa posibleng dahilan ng pamamaslang.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad para mahuli ang mga suspek sa krimen.

Read more...