Sa 4am weather update ng ahensya, tanging Hanging Amihan na lamang ang weather system na nakakaapekto sa bansa.
Makararanas ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan ang Ilocos Region, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at Central Luzon dahil sa Amihan.
Ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng Luzon ay makararanas ng magandang panahon maliban sa isolated rains na mararanasan dahil pa rin sa Amihan.
Ang buong Visayas at Mindanao ay makararanas na ng magandang panahon na may posibilidad lamang ng mga pag-ulan na dulot ng localized thunderstorms.
Samantala, ipinagbabawal pa rin ang paglalayag sa mga baybayin ng Hilagang Palawan, kanlurang baybayin ng Occidental Mindoro, Bataan, Zambales, Pangasinan, La Union, Ilocos Provinces, Batanes, Babuyan Group of Islands, Cagayan, Isabela, Aurora, silangang baybayin ng Quezon, Camarines Norte, Catanduanes, Albay, Sorsogon at Northern at Eastern Samar.