Planong ‘largest balloon drop’ kinansela na ng Okada

Matapos ang utos ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), napagpasyahan ng pamunuan ng Okada Manila na kanselahin na ang planong gumawa ng bagong world record sa pagpapakawala ng pinakamaraming bilang ng lobo ngayong bisperas ng Bagong Taon.

Umani ng kritisismo hindi lamang mula sa DENR kundi maging sa netizens ang 130,000 Balloon Drop event dahil sa sinasabing panganib na dulot nito sa kapaligiran.

Sinabi ni Environment Secretary Roy Cimatu na ang planong pagpapakawala ng 130,000 na lobo sa iisang event lamang ay maaaring magresulta sa isang ‘environmental disaster’.

Sa isang pahayag na inilabas kagabi, sinabi ng Okada Manila na bagaman na ipaliwanag na nila sa publiko na wala itong banta sa kalikasan, kakanselahin ang Balloon Drop event bilang pagrespeto sa kagawaran.

Pagpapakita rin umano ito ng kanilang suporta sa gobyerno sa kampanya sa pagprotekta at pagsalba sa kalikasan.

Nag-abiso naman ang Okada na tuloy pa rin ang New Year’s Eve Countdown Party sa Cove Manila at iba pa nilang nakalatag na selebrasyon.

Read more...