Sa resulta ng survey na inilabas kahapon ngunit isinagawa noon pang December 16 hanggang 19, lumalabas na 74 percent ang naniniwala na mas mabuting magbigay ng regalo ngayong Christmas season kaysa sa tumanggap.
Twenty-two percent lamang ang nagsabing mas maigi na tumanggap ng regalo.
Bagaman mas mataas ang bilang ng nagsabing mas maiging magbigay, ang bilang ay record-low o pitong puntos na mas mababa sa record-high na 81 percent noong 2017.
Ang pitong puntos na pagbaba sa buong bansa ay dahil sa bawas na 16 points sa Visayas, 8points sa Balance Luzon,1-point sa Metro Manila habang 3 points ang itinaas sa Mindanao.
Ayon pa sa SWS, Metro Manila ang nakapagtala ng pinakamaraming nagsabi na mas maigi na magbigay ng regalo ngayong Pasko sa 84 percent.