Most wanted sa Davao, arestado sa Quezon City

Inquirer file photo

Sa bilangguan na sasalubong ng Bagong Taon ang No.1 most wanted ng Davao City matapos maaresto sa labas ng isang mall sa Cubao, Quezon City.

Ayon sa hepe ng Station Drug Enforcement Unit ng Cubao Police Station na si Sr./Insp. Ramon Acquiatan, sangkot ang suspek sa umano’y pangga-gang rape sa isang menor de edad sa Davao City taong 2017.

Agad nadakip ang suspek sa bisa ng search warrant.

Iginigiit naman ng suspek na ginigipit lamang siya at hindi totoo ang paratang laban sa kanya.

Sa ngayon, pansamantalang maglalagi sa piitan sa Cubao Police Station ang suspek bago ilipat sa Davao City para harapin ang kanyang mga kaso.

Read more...