Bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan, kumaunti pa

Habang lumalayo sa bansa ang low pressure area (LPA) na dating ang Bagyong Usman, ay patuloy ding nababawasan ang mga stranded na pasahero sa mga pantalan.

Sa pinakahuling tala ng Philippine Coast Guard bandang alas-8:00 ng gabi, 148 na lang ang kabuuang bilang ng mga stranded passengers.

Karamihan o 115 ay sa Southern Quezon habang 33 ang sa Capiz.

Gayunman, patuloy na pinatitiyak sa lahat ng PCG units sa bansa ang istriktong implementasyon ng HPCG Memorandum Circular No.2-13 o ang mga guidelines sa biyahe ng mga sasakyang-pandagat tuwing masama ang panahon.

Read more...