Marian Rivera ipinakita ang kanyang baby bump

Confidently beautiful with a baby bump.

Ganito ibinalandra ni Marian Rivera ang kanyang baby bump sa kasagsagan ng kanilang family trip sa Siargao Island.

Ipinagdiwang ng mag-asawang Marian at Dingdong Dantes ang kanilang fourth wedding anniversary.

Suot ang isang Burbbery graffiti-print bikini, buong pagmamalaking ipinakita ni Rivera ang kanyang baby bump na ang mga larawan ay ibinahagi pa niya sa Instagram.

Sa ngayon ay mayroon na itong higit 460,000 likes at umaani ng papuri mula sa fans.

Dala ni Rivera sa sinapupunan ang ikalawa nilang anak ni Dantes na nauna na nilang inanunsyo na isang baby boy.

November 2015 nang isinilang ni Marian ang panganay na si Zia.

Read more...