Dinukot na anak ng mayor sa Zamboanga del Norte, pinalaya ng ASG sa Sulu

Pinalaya na ng Abu Sayyaf Group ang anak na lalaki ni Labason, Zamboanga del Norte Mayor Eddie Quimbo sa Patikul, Sulu Linggo ng hapon.

Pinalaya si Jed Quimbo, 28-anyos, sa bisinidad ng Barangay Anuling sa Patikul, Sulu bandang 4:00 ng hapon.

Dinala na si Quimbo sa kaniyang kapatid na si Justin Quimbo kasama si dating Governor AbduSakur Tan.

Nakatakdang sumailalim si Quimbo sa debriefing at medical check-up sa Camp Bautista Station Hospital at agad ililipat sa pribadong ospital.

Dinukot si Quimbo sa Labason ng anim na hindi pa nakikilalang lalaki noong September 6, 2017.

Read more...