Albay, Camarines Sur isinailalim na sa state of calamity

OCD photo

Isinailalim na sa state of calamity ang lalawigan ng Albay at Camarines Sur dahil sa pinsalang idinulot ng Bagyong Usman.

Idineklara ang state of calamity nina Albay Governor Al Francis Bichara at Camarines Sur Governor Migz VillaFuerte.

Napagdesisyunan ito matapos magsagawa ng special session ang mga miyembro ng Sangguniang Kabataan sa Albay kaugnay sa tindi ng baha, mga landslides at ilang sira sa imprastraktura.

Ayon kay Cedric Daep, hepe ng Albay Public Safety and Emergency Management Office, 15 katao ang namatay habang 68 bahay naman ang nasira sa buong probinsya dahil sa epekto ng sama ng panahon.

Aniya, ang deklarasyon ng state of calamity ay para magamit ang calamity fund sa mga apektadong residente.

Dagdag pa nito, inuming tubig ang matinding kailangan ng mga residente.

Samantala, Camarines Sur, inanunsiyo naman ang state of calamity ni VIllafuerte gamit ang kaniyang Facebook account.

Read more...